

Si Ella ay masayang naglalaro ng cellphone kahit ipinagbabawal ni Nanay. "Ella, tama na ang laro," sabi ni Nanay, pero hindi siya nakinig. Tinuloy pa rin niya ang paglalaro buong araw at gabi. "Ang saya-saya ko po, Nanay!" sigaw ni Ella. Umiling si Nanay, nag-aalala sa kanyang anak. Hindi alam ni Ella ang mangyayari.

Pagkagising ni Ella, hindi niya makita ang paligid. "Nanay! Hindi ko makita, tulungan mo ako!" iyak niya. Dali-daling nilinis ni Nanay ang mga mata ni Ella. Ngunit hindi pa rin siya makakita kahit anong gawin. Nagsimula siyang matakot at lalo pang umiyak. Nag-alala si Nanay at nagmadali.

Agad dinala ni Nanay si Ella sa ospital. "Doktor, tulungan po ninyo ang anak ko!" pakiusap ni Nanay. Sinuri ng doktor ang mga mata ni Ella. "Ginawa po namin lahat," sabi ng doktor, "pero hindi na po makakakita si Ella." Mahigpit na niyakap ni Nanay si Ella. Pareho silang nalungkot at napaiyak.

Habang yakap ni Nanay, nagpasya si Ella na makinig na sa mga payo. "Nanay, sorry po at hindi ako nakinig," bulong ni Ella. "Mahal kita, anak. Lagi kitang tutulungan," sagot ni Nanay. Natutunan ni Ella ang kahalagahan ng pagtalima. Pinilit nilang maging masaya at matatag. Nagging magkasama silang muli, puno ng pagmamahalan.