cover
Lola Lily, a 78-year-old woman with gray hair in a bun and a floral dress, smiling warmly at Juan, a 13-year-old boy with short black hair, as she offers him a plate of kakanin. Lolo Berto, a 75-year-old man with white hair and a cane, sits nearby by a window with curtains, the afternoon light streaming in.
Isang Sabado ng hapon, bumisita si Juan sa kanyang Lolo Berto at Lola Lily sa kanilang tahanan sa Leyte, isang probinsya sa Visayas. Sabik siyang makausap ang kaniyang mga lolo at lola sapagka't tuwing bakasyon lamang sila nakakabisita sa kanila. Tinanong ni Juan, “Lolo, Lola! Sa aralin po namin sa kasaysayan, napag-usapan namin ang Panahon ng Hapon sa aming paaralan. Naging paksa namin iyon, Lolo. Totoo po bang inabutan ninyo ‘yon?”
Lola Lily holds Lolo Berto’s hand as Juan listens quietly.
Sinagot siya ni Lola Lily medyo malungkot ang ngiti, “Totoo, apo. Bata pa kami noon. Pero hindi namin malilimutan ang mga nangyari. Tatlong mapait na taon ang nag-iwan ng sugat sa puso namin- sugat na matagal bago naghilom.” Muling nanumbalik ang ala-ala ng kanyang mga lolo at lola nang nakalipas na panahon ng giyera.
Lola Lily and Lolo Berto sit together, looking worried, with a lit candle nearby.
Ika ni Lolo Berto, “Noong dumating ang mga Hapon, bigla na lang nagbago ang buhay namin. Natigil ang pag-aaral ko, pati na rin ng mga kapatid ko. Nagtago kami sa mga bundok, sa loob ng mga pinaglalagakan ng palay, sa ilog, sa mga kuweba—kahit saan para mabuhay. Ang tatay at nanay namin ay nawalan ng hanapbuhay. Kami ay literal na naging isang kahig, isang tuka. Masaya na kami na makakain ng dalawang beses sa isang araw.” Si Lola Lily rin ay nagbalik-tanaw at ginunita ang mga malulungkot na alaala ng lumipas. Higit syang nalungkot nang maalala ang pagkuha ng mga kakababaihan.
Lola Lily sits at a table, holding a photograph and wiping a tear, as Juan listens quietly.
“Maraming babae ang kinuha… ginawang tulad ng laruan para sa mga hapon. Hindi ito magandang pangyayari. Napakasakit, Juan. Nakakatakot maging isang babae. Kahit ako ay takot na takot. Wala kaming kalaban-laban. Isa sa kanila ang kaibigan kong si Ligaya…”, kwento ni Lola Lily. Hinawakan ng lola ang lumang larawan ng kanyang kaibigan. Bumalik sa kanyang gunita ang malungkot na alaala ng kanyang kaibigan. Isang luha ang tila ba nahulog sa kanyang mata at bumaba sa kanyang pisngi habang inaalala ang kanyang kaibigan.
Lolo Bert recalls war scene in his head with Japanese fighting Filipinos during World War 2.
Idinagdag din ni Lolo Berto ang tila ba hatian ng mga kapwa Pilipino. Wari bang siya ay naguguluhan. “Hindi madali para sa mga Pilipino noon. May mga lumaban sa mga Hapon, na sila’y mga guerilla. Kapalit ng kanilang paglaban at pagtayo para sa mga Pilipino ay kinailangan nilang magtago. Ang masaklap ay naging kalabn din nila ay mga kababayan din nila. Tinuro nila ang mga nanlalaban sa mga Hapon. Para bang ‘survival of the fittest.’ Meron pa nagsinungaling at mga kumapit sa hapon para makakita ng isa pang araw.”, kwento pa ni Lolo. Sumang-ayon si Juan sa kanyang Lolo sapagka't naiintindihan nya ang sinasabi nito. “Ang hirap naman po n’un! Parang kahit anong piliin mong panig, may mawawala, may natatalo, may nasasaktan.”, sabi ni Juan.
Lolo Berto and Lola Lily remember the war, finding hope in stories of kindness.
Umayon din si Lola Lily sa pinag-uusapan ng mag-lolo. “Tama ka, apo. May mga pamilya na nagkahiwalay, may magkakaibigan na nagtaksil sa isa’t isa. Ang giyera, sinisira ang puso ng tao. Noong panahon na iyon, may mga naninibugho dahil sa galit sapagka't nag-iba ang buhay nila. Higit kasing mahirap ang buhay kung may giyera. Napakagulo ng bansa. Nagkaroon ng maraming patayan, away at pagsasamantala. May mga nagalit din dahil hindi na sila malaya. Ang karamihan naman nagalit dahil sila ay naapi.”, aniya. Gayunpaman, nakakita pa rin si Lolo Berto ng pag-asa sa gitna ng madilim na pangyayaring naganap noon. “Pero kahit ganoon ang nangyari, may mga bayaning tumulong sa iba. Marami pa ring mga naging bayaning walang pangalan.”, ang sabi nya.
Lolo Berto tells a story while Juan listens admiringly, and Lola Lily nods beside them.
Idinagdag din niya na nanatili ang bayanihan sa maliliit na paraan. May nagtago ng mga babae, may nagpakain sa gutom, may naglakas-loob labanan ang kalaban kahit delikado. Maraming naging paraan upang magtulungan. Nasaksihan nila iyon sa golpo ng Leyte. “Kahit ang tatay ko ay naging guerilla. Pinilit nila makatulong sa kapwa Pilipino. Ang nanay ko naman ay nag-alaga ng anak ng iba upang magkaroon din ng hanapbuhay at gayundin ang magulang ng anak na tinulungan niya.”, dagdag pa niya.
Juan listens intently as Lolo Berto recalls wartime heroism.
Nabilib si Juan. “Wow! Ang tapang nila. May mga bayani pa rin talagang lumalabas sa panahon ng pananakop. Para pala silang sina Andres Bonifacio noong panahon ng Kastila. Hindi ko sukat akalain na ganoon kahirap noong panahong iyon. Hindi ko yata kaya mabuhay noon. Napakatapang at napakatatag po ninyo. Pero sana hindi na po maulit ‘yon.”, sagot niya. Hinarap nila ang takot sa kamatayan. Ginawa nila ang lahat upang mabuhay.
Lolo Berto, Lola Lily, and Juan smile together at the dining table with Filipino dishes.
“Tinulungan din tayo ulit ng mga Amerikano upang makuha pabalik ang kalayaan. Kaya nga kailangan nating ituro ang katotohanan para hindi makalimot. Mahalagang matutunan ninyo ang mga pinagdaanan ng ating bansa para alam ninyo ang nangyari noon at nang kayo ay matutunan. Kailangang alagaan natin ang kapayapaan.”, tugon naman ni Lola Lily. Nagtapos ang usapan nilang may ngiti sa labi ang mag-anak. Pumunta na sila sa kusina upang sama-samang kumain ng hapunan sa hapag-kainan.
Juan sets the dinner table while Lolo Berto and Lola Lily share a warm laugh together.
Kinabukasan, habang pauwi si Juan, dala niya ang bigat sa kanyang kalooban dahil sa mga nalaman niya noong panahon ng giyera subalit kaakibat naman nito ay ang kanyang pag-asa sa puso. Sa kanyang isip, isinambit niya, “Salamat po, Lolo at Lola. Hindi ko po malilimutan ang mga kwento ninyo. Dadalhin ko po ito habang ako’y lumalaki.” Kinausap niya rin ang kanyang mga magulang. “Inay, Itay, marami po akong natutunan kina Lolo at Lola. Ang hirap pala noong panahon ng mga Hapon. Kahit kapwa Pilipino nagkakawatak-watak upang mabuhay. Marami pala talagang hindi magandang epekto ang giyera. Sana hindi na iyon maulit at sana manatiling payapa ang buong mundo.”, kwento ni Juan.
Juan is talking with his mom, a 41 year old asian mother and 40 year old asian father while on the sala of a house.
Sumang-ayon ang kanyang ina, “Tama ka, Juan. Higit na masalimuot ang buhay noong panahon ng Hapon. Anumang giyera ay may talo. Hindi ito mabuti para sa lahat.” Gayundin ang knayang ama at sinabing, “Nawa ay magkaroon ng kapayaan hanggang sa huli ang lahat ng bansa.” Nangako si Juan sa kanyang sarili na maging mabuting mamamayan. Nais nyang maging tagapangalaga ng kapayapaan paglaki nya. Dahil alam niyang mahalaga ito para walang nasasaktan, walang naghihirap.
Juan, a 13-year-old boy, looking at the window through a room.  Juan looks thoughtful and determined. The moon is visible in the sky.
Pag-uwi ni Juan, iniisip niya ang mga kwento ng kanyang Lolo at Lola. "Hindi ko kakalimutan ang kasaysayan," bulong niya. Pinangako niyang magiging mabuting mamamayan siya. "Pagmamalasakit at pagtutulungan ang mahalaga," sabi niya. Tinignan siya ni Inay at ngumiti. Magaan ang loob ni Juan, handang maging mabuti.